Press Release
No. MJD-25-2021
DANGAL NG WIKA 2021
Bukás na para sa nominasyon!
Ang Dangal ng Wikang Filipino ay mataas na pagkilála sa mga indibidwal, samahán, tanggápan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.
- Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal, samahán, tanggápan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapagalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino sa ibá’t ibáng larang at/o disiplina.
- Pára sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung (40) taón. Pára sa mga samahán, tanggápan, ahensiyang pampamahalaán, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababâ sa limáng (5) taón.
- Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino sa ibá’t ibáng larang at disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba).
- Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mulâ sa labas ng KWF.
- Pára sa onlayn na nominasyon, ihanda ang lahat ng softcopy (.pdf format) at magtungo sa link na ito: https://forms.gle/Ay4wDFxEVsYKxqnSA : (1)KWF Pormularyo sa Nominasyon; (2) Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina; (3) Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán); at (4) Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino at/o alinmang katutubong wika sa bansa.
- Pára sa nominasyon na ipadadala sa koreo, ilakip sa isa o higit pang long brown envelop ang lahat ng dokumento (hardcopy) na nakasaad sa bílang 6 at ipadalá sa:
Lupon sa Dangal ng Wikang Filipino 2021
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila
- Ang hulíng araw ng pagpapása ng nominasyon ay sa 30 HUNYO 2021, 5nh.
- Ang tatanghaling Dangal ng Wikang Filipino 2021 ay tatanggap ng naturang gawad sa Pammadayaw: Araw ng Gawad sa Agosto 2021.
- Para sa iba pang detalye, mangyaring tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o magpadalá ng email sa Sangay ng Edukasyon at Networking sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. (END)