Public Advisory No. 2017/01
Date: 16 January 2017
Nais ipaabot ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Jeddah na wala itong nakukuhang kumpirmasyon sa pamahalaan ng Saudi tungkol sa napapabalitang Amnesty. Ang lahat ng balitang kumakalat sa social media, mga pahayagan at sa Filipino community sa ngayon ay pawang haka haka lamang.
Pinapayuhan ang ating mga Kababayan na antabayanan ang mga advisories ng Konsulado, na inilalabas sa website at Facebook page ng Konsulado, tungkol sa pagpapauwi ng mga undocumented workers. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Konsulado sa mga kinauukulan tungkol sa pagpapauwi ng mga undocumented workers at nagpapalabas ng advisories kung merong mga bagong patakaran tungkol dito na inilabas ng Saudi government.
Ang mga may katanungan sa pagpapauwi ng undocumented OFWs ay maaring bumisita sa Assistance to Nationals Section (ANS) sa Building 1 ng Konsulado, tawagan ang telepono bilang 0555219613 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
END