Public Advisory no. 15-2016
Date: 24 April 2016
MAHALAGA!
Pag-boto ng Botante na Naka-rehistro sa Ibang Konsulado o Embahada
Ipinapaalam po sa ating mga Kabayan na maaaring makaboto sa Konsulado sa Jeddah ang isang botante na naka-rehistro sa ibang Konsulado o Embahada, tulad ng Al Khobar, Riyadh, Abu Dhabi, Dubai at iba pa, alinsunod sa COMELEC-OFOV Guidelines 2016-001
Pinapayuhan po ang mga botanteng ito na pumunta sa Konsulado dito sa Jeddah sa lalong madaling panahon upang ipaalam ang kanilang pagnanais na bumoto. Kinakailangan nilang sagutan ang nakalakip na "manifestation of intention to vote" from at ibigay kasama ng kopya ng Passport o anumang valid ID na may litrato at lagda sa Overseas Voting Secretariat sa 3rd Floor ng Konsulado. Maaari ring ipadala sa email ang scanned copy ng sinagutang "manifestation of intention to vote" form at kopya ng passport o ID sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
Kinakailangan pang ipadala ng Konsulado sa COMELEC ang mga dokumentong ito upang matiyak na ang nagnanais bumoto ay registered overseas voter at hintayin ang sagot ng COMELEC kung puwede ng makaboto.
xxxxx