PUBLIC ADVISORY No. 1
6 May 2015
Sa Mga Mahal Nating Mga Kabayan sa Najran Province, K.S.A.
Sa nangyayaring pagsabog sa Najran kahapon, ipinababatid sa inyo ng Konsolado na ang mga kinauukulan ng pamahalaan ng Saudi ay agad na umaksyon sa pangyayaring ito at patuloy na nangangasiwa sa kaayusan sa Najran. Sila ay deteminado na maparusahan may kagagawan ng pagsabog na ito sa lalong madaling panahon. Ginagawa nilang lahat ng kanilang makakaya upang masigurado na hindi mauulit ang insidenteng ito at masigurado and kaligtasan at seguridad ng mga naninirahan sa Najran.
Kung kaya walang dahilan para mangamba at matakot. Ang lahat ng mga Kabayan sa Najran ay pinapayuhan ng maging mahinahon at mapatuloy sa kanilang pang-araw-araw na gawain at trabaho. Ipinapayo rin na huwag munang pumunta sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga pampublikong lugar kung hindi kinakalingan maliban na lamang kung ito ay para sa trabaho o personal na dahilang mahalaga.
Ang Konsulado ay maglalabas lamang ng panibagong abiso tungkol sa pangyayaring ito kung kinakailangan, nararapat at ayon sa mapagkakatiwalaan na impormasyon.
___________________________________________________________
(English Translation)
To All Dear Kabayans in Najran Province, K.S.A.
In the light of yesterday’s explosions in Najran, please be informed that the Saudi authorities are on top of the isolated incident and determined to apprehend those responsible in the soonest possible time, doing their best to ensure that no recurrence of such incident ever happens again and that everyone in Najran is safe and secure from now on.
In these regard, there is no cause at all to be alarmed and to panic. Everyone is thus advised to remain calm and simply carry out their usual daily activities. It is further advised to limit unnecessary visits to government offices and public places unless extremely necessary for strictly professional and personal business.
Succeeding periodic advisories shall be issued by the Consulate only as maybe necessary, appropriate, and well-founded on reliable information.